Dalangin

Dalangin
Image: pexels.com | pexels-photo-918778

HeSaidSheSaidPH | Author name withheld upon request

Alam ng Diyos kung gaano ko sinubukan
Upang maisalba ang ating pagmamahalan
Sa isang iglap lang ihip ng hangi’y nag-iba
Mukhang pangakong binitawan, di mo na maalala

Sa pagpikit ng aking mga mata
Dalangin ko’y ikaw pa din sa tuwina
Nasaktan man ako’y handa kong kalimutan
Matiyak lamang na makakasama ka sa habang buhay

Luha ko’y patuloy na pumapatak
Dahil alam kong hindi na tiyak
Ang pupuntahan nating dalawa
Dahil ang puso mo’y biglang nag-iba.

(Visited 3,370 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments