HeSaidSheSaidPH | ni Karen F. Ferrer
Hindi lang ito tungkol sa kung ano ang tama
Pag usapan natin ang respeto na tila nawala
Na tila nakakalimutan nila ang iyong halaga
Ang layo ng iyong mga narating ay hindi basta basta
Ang init, usok at pawis ay di alintana
Para sa pangarap na iyong nais tuparin
Sa pamilyang sayoy nakaasa, maiahon sa hirap ang iyong hangarin
Araw araw na sakripisyo hindi para sa sarili
Kundi para sa pamilyang kelangan itaguyod
Hindi ako basta basta papara dahil ikaw ay dakila
Marangal ka, maniwala ka dahil ikaw ang naghahatid tungo sa pangarap ng iyong pamilya
Tumutupad sa akala nilang imposible at hindi mo kaya
Para sa mga hindi nakakakita sa iyong halaga
Hindi nila alam ang pakiramdam
Ang tunay na saya sa araw araw mong pagtaguyod sa iyong pamilya
Pasensya na sa mga taong mapanghusga, wala silang alam sa iyong tunay na halaga
Sa bawat para akoy maingat mong hinahatid
Kasama ka sa pgbuo ng aking pangarap
Marangal ka, dakila , hindi basta basta sumusuko
Salamat sa bawat padyak, ang layo na ng iyong narating
Mabuhay ka