Estranghero

by Marian Indol Molina | shared on He Said, She Said |

Posible kaya sa magulong mundong ito
maari kayang magtagpo ang isang ikaw at ako
hindi magkakilala at hindi alam kung magsasabi ba ng tama
dahil hindi ganun kadali magbigay ng tiwala
binata siya at dalaga ka, doon lahat nagsimula ang usapan niyong dalawa

Noong una’y nag-alangan pa kung ito ba ay tama, dalawang magkaibang tao na hindi magkakilala
Maaari kayang pagtagpuin ng tinatawag na tadhana?

Ayokong magisip ng kung ano pa man
basta ang alam ko ako’y masaya,
Kahit na minsan ay hindi pa kami nagkakasama

Sapat na ang usapan na hindi natutuldukan,
mga tawanan na nakakasakit ng tiyan
mga asaran na kahit minsa’y hindi nagkakapikunan
iyan ang kaligayahan na hindi kayang palitan

Magkalayo man ang mundo at hndi pa man nagtatagpo
Maaari naman palang magkakilala ang dalawang estranghero
dito sa mundong meron na ngayong Ikaw at Ako.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleThe Break Up
Next articleLast Words