Goodbye, pare

by Cupid Stitch | shared on He Said, She Said |

Noong una umasa ako sa iyong mga salita
Ngunit bigla ka na lang nag-iba
Akala ko kasi totoo na pinapahalagahan mo ako
Pero natural lang pala ang gawaing yun para sa ‘yo
Nagbibigay ka ng motibo
At ako nama’y umasa ng todo
Pero iba pala pagtingin mo
At hanggang kaibigan lang pala ako
Tinanggap ko yung pagtingin mo ng buo
Pero masakit kasi bigla kang umiwas ng todo
Na realize ko baka pampalipas oras mo ako
Nakakatanga kasi ba’t pumayag ako
Nabalitaan ko may gusto kang iba
At gusto ka rin daw n’ya
Pero sabi nila kayo’y nagkalabuan muna
Kaya siguro ginamit mo ‘ko para ika’y malibang
At ngayong okay na kayo
Nawala na ako sa buhay mo
Masaya ako para sa inyo
Sana magpakasaya ka sa gf mo.
Pero gusto ko munang sabihin sa ‘yo
Langya ang gago mo
Paalam pare ingat sa karma
At sana umiwas ka na lang noon
Para di na nagkakagulo ngayon.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments