Lagi na lang

by Jene Vave | shared on He Said, She Said

Laging iniiwan
Laging namang may dumadating
Pero sana pag-iniwan ako?
wala nang dumating?
Para yung puso ko’y hindi na masaktan ulit
Oo, may laging dumarating
Sa una
araw araw’t gagabi ay kanyang kinakausap
Bawat araw ay lagi kanyang sinuyo’t nilalambing
Mga salitang kanyang binibitawan
kay sarap pakinggan
Hanggang sa hindi mo namalayan na huhulog ka na sa kanya
Hanggang sa mahal mo na siya
Na akala mo
siya na yung taong magmamahal sa ‘yo ng totoo
Na tatanggap kung ano ka’t kung sino ka
Yun pala
maling hinala pala ang lahat
Bigla na lang siyang nawala na parang bula
paulit-ulit na lang bang masasaktan?
Bakit pa may dudumating?
kung iiwan ka din
Hay puso!
Sana kasing tigas ka ng bato para hindi madaling magmahal
Para hindi na masasaktan
yung puso kasi malabot
madaling magmahal
kaya laging nasasaktan


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments