His Promises [Paalam]

by Xyliene Bernyze Obiacoro | shared on He Said, She Said |

Hello sa ‘yo. Oo sa ‘yo
Sa taong minahal ko ng higit pa sa sarili ko.
Sa taong nagturo sa akin kung paano magmahal
at kung paano makuntento. Kamusta ka na?
Alam ko masaya ka na sa kanya.
Pero gusto ko lang malaman kung okay ka.
Alam ko ayaw mo nang makagulo ako. Pero sagutin mo muna yung tanong ko?
Anong nangyari sa sinabi at pinangako mo?

Sabi mo. Mahal kita. Sa ‘yo lang ako.
Pero tayo pa lang ikaw na ay lumiliko. Sabi mo hindi ako lilisan.
Pero bakit bigla mo nalang iniwan? Sabi mo hindi kita bibitawan.
Pero bakit biglang pinakawalan mga kamay na iyong hinahawakan.
Sabi mo ako lang.
Pero bakit merong siya at merong ikaw.
Merong kayong dalawa.

Sabi mo tatagal tayo.
Pero wala pang tayo naghahanap ka na ng kayo.
Sabi mo ako na ihaharap mo dun sa altar at pakakasalan mo.
Sabi mo ako na, sabi mo “ikaw na talaga”.
Sabi mo tayo na hanggang sa ating huling hininga.
Sabi mo sabay tayong mangungulubot at tatanda.
Sabi mo. Sinabi mo. Pinangako mo. Pero anong ginawa mo?
Iniwan mo pati yung mga pangako mong
pinanghawakan ko sa panahong ikaw at ako.
Sa panahong tayo at hindi kayo.

Nangako ka. Sabi mo.
“Pangako babe. Babawi ako. Pangako babe ikaw lang po. Pangako babe.”
Pangako. Lahat ng yun. Napako. Nabalewala.
Nawala sa konting pagkakamaling pwede namang pag-usapan at ayusin pa.
Nasira dahil lang sa kagustuhan mo nang bumitaw.
Sa kagustuhan mo ng lumaya at pumunta sa kanya.

Sinabi mo. Nangako ka.
Kaya nung bumitaw ka ay patuloy na kumapit pa.
Patuloy na umasang babalik ka.
Kasi nangako ka sinabi mo.
Tinaga mo pa sa bato. Naghintay.
Ilang araw na umuuwing umaasang nandun ka
sa dati nating tagpuan at iyong susunduin.
Iyong muling yayakapin at yayapusin.
Naghintay ako dahil patuloy akong kumapit sa mga pangako at sinabi mo.

Pero hindi ka dumating.
Dahil wala ka nang pakialam ni katiting.
Dun sa mga salitang binigkas mo noong sa mga bituin nakatingin.
Wala ka nang pakialam dun sa mga pangakong
binitawan mo noong ikaw at ako.
Mga pangakong noong tayo.
Pero tumupad pa rin ako.
Doon sa pangako kong ikaw lang at walang magbabago.
Doon sa pangakong sayo lang hanggang sa huli.
Sa pangakong iyo ang puso ko.

Ngunit. Nakakapagod din. Nakaksawa. Nakakasakit ng sobra.
Bumitaw ka na dun sa pangako. Dun sa sinabi mo.
Siguro panahon na rin para ako naman ang bumitaw.
Siguro panahon na rin para kalimutan ang lahat ng mga salitang binigkas natin.
Panahon na rin para iwanan ang lahat at itapon sa malawak na dagat.
Panahon na rin para bitawan ang pangakong pinanghahawakan.
Panahon na rin para ang lahat ng iyon ay limutin

Oo. Pagod na ako. Napagod na ako. Kahihintay na tutupad ka sa iyong pangako.
Kahihintay na magagawa mo yung mga sinabi mo. Oo. Tumupad ako.
Pero ngayon ay hinahayaan ko na. Hinahayaan ko na ang hangin na maglipad.
Maglipad dun sa nga pangako ko.
Mga pangako at sinabi mo.
Sa mga katangang nagbigay sa akin ng saya at kilig.
Sa mga letra at Salita na binitawan ng iyong mga bibig.
Hayaan mo. Napagod na ako. Ayoko na. Give up na ako.
Hayaan mo. Dahil tuluyan ko nang binibitawan ang mga salita at sinabi mo.
Hayaan mo. Dahil hindi na ako umaasa.
Hindi na ako nakakapit dun sa sinabi mo.
Dahil pagod na ako. Pagod na pagod na ako.
Balang araw. Lahat ng mga yun matutupad.
Matutupad natin. Oo natin. Matutupad natin.
Pero hindi na sa ating piling. Hindi na sa piling ng isat isa.
Hindi na sa piling mo at ko.
Hindi na sa ikaw at ako.
Hindi na sa tayo.
Pero matutupad natin. Sa piling ng iba.
Sa piling ng mga bago nating pinangakuan.
Sa piling ng bago nating sinasabihan.
Oo. Sa kanila. Hindi na sa atin.

Paalam. Sa mga alaala.
Sa mga masasayang araw na tayoy magkasama.
Sa mga panahong ikaw at ako pa. Paalam na.
Paalam na sa iyo at sa mga sinabi mo.
Paalam sa mga pangakong tuluyan ko nang pinalipad sa hangin.
Sa mga sinabi mong hinayaan ko nang liparin at limutin. Paalam.
Paalam sa ‘yo at sa mga sinabi mo.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for postin

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments