Ikaw at Ako

by Aedrian Daquis | shared on He Said, She Said |

Hindi ko alam kung paano ko to sisimulan o ano ang magiging kahahantungan
Basta ang alam ko lang ako’y lubos na nasaktan, NASAKTAN
Mula sa ‘yong paglisan
Kaya’t ako’y tumayo at nagisip-isip kung paano ko ba
maibabalik ang dating tayo, saglit, wala nga palang tayo
at ang meron nalang ay ako, ang dating ako

Dating ako na masaya kapag nandyan ka
Dating ako na isang ngiti mo lamang sapat na
Dating ako na kapag kasama ka ay humihiling na sana ang tapos ay di na dumating pa
Dating ako na walang problema ‘pag kayakap ka
Dating ako, Dating ako, Dadating ako
Pero wala ka na

Ang sakit din pala na hindi pahalagahan
Na sa bawat pag pikit ng matang ito ay tanging alala mo ang nakikita ko
Na maging sa panaginip ko ikaw ang bida
Lagi namang ganun di ba?
Kaya ngayon eto ako, nagiisa!
Hindi alam kong may patutunguhan pa

Marahil ganun na nga lamang ako kahina
Na parang batang nabitawan ang lobong
kaniyang hawak at siya’y umiyak, at umiyak ng umiyak
hanggang sa maubos at di na madama ang bawat patak ng luha sa kanyang mga mata
Nakatingala, patuloy na pinagmamasdan ang lobong nasa kaitaasan na
Ang lobong aking hawak hawak sa simula pa lang ay ikaw pala

Ikaw na dumating at umalis
Ikaw na nangamusta at namaalam
Ikaw na lumapit at lumayo
Ikaw na may dala ng ngiti at luha
Ikaw na aking langit at lupa
At ikaw na minahal ko subalit binaliwala ako

At ako
Ako na dumating nung wala sila
Ako na laging naririyan sa yung pangangailangan
Ako na hinahanap mo kapag may kailangan ka
Ako na kailangan mo lang kapag kulang ka
Ako na panggulo lang sa mundo mo na masyado ng perpekto
Ako na parang basura lang nang iniwan mo
At ako na minahal ka kahit parang ayoko na

Ang hirap din pa lang tumayo mula sa pagkakadapa
Na sa bawat minuto o bawat segundo
mga larawan mo ang naaalala ko
Kahit pala ang pinakamasarap na pagkain
kapag pinaulit ulit mong tikman , masusuya ka pa rin
Parang yung paulit ulit na pagmamahal ko sayo pero iniwan mo parin ako
Tayo’y parang mga ibon na lumipad sa
magkaibang direksyon kaya imposible para sa atin na muling magkatagpo
Dahil ikaw ay pataas ako’y nanatili sa baba
Gusto kong sumigaw ng malakas
Bakit mo sa kin to nagawa?
Lungkot sa aki’y nangibabaw mula noong araw ng iyong paglisan
Na ni hindi ko manlang narinig ang salitang paalam
Ni hindi ko manlang nakita ang kumpas ng iyong kamay ng ako’y nilisan mo
Ni hindi ko manlang naramdaman mula sayo ang salitang tayo
Ni hindi ko manlang nakita ang panghihinayang sayo
Ni hindi ko manlang nasaksihan ang pagmamahal mula sa mga mata mo
At ni hindi ko manlang naramdaman ang pagmamahal na matagal kong inaasam

Wari ba’y laro lamang ang lahat sa ‘yo
Pasensya ka na kung ito ay aking sineryoso
Di ko naman sinasadya na ikaw ang maging laman ng puso’t isip ko
Ninais ko lang namang ibigay lahat sayo
Pero hindi pala sapat
At hindi rin nararapat
Sapagkat ang pinanghahawakan kong tayo
Ay parang bulang naging ako

Lumipas ang taon
Sugat ay naghilom
Mundo ko’y nagkakulay
Bumalik ang dati kong buhay
Kung kailan wala ka pa
Mahal, sana ayos ka
Sana masaya ka
Nahanap mo sana ang kaligayahang iyong inasam
Para sa ‘yo ‘to
Sumulat ako para malaman mo
Na ayos na ako mula sa paglisan mo.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments