Saan ba ako nagkamali?

by Christelyn Calizar | shared on He Said, She Said |

“Hindi kita iiwan, kasi mahal kita mahal na mahal.”

Ilang beses bang iniluwa iyan ng iyong bibig? Isa? Dalawa? Tatlo?

Hindi ko na mabilang kung ilang ulit ko nang narinig mula sa iyo ang mga pantig na iyan. Mga salitang pumawi sa takot ko na manatili sa tabi mo, mga salitang nag tulak sa akin para ipagkatiwala ko sa’yo ang puso ko at para mabigkas ko sa harapan mo ang mga salitang “mahal kita.”

Hindi mo ako masisisi kung minahal kita ng sobra, kung nasanay na akong umiikot lang ang mundo sa ating dalawa- sa iyo at sa akin. Ikaw ang nagbigay ng kahulugan ng pag ibig sa akin. Pag ibig na noon akala ko’y hindi ko kayang namnamin.

Pero saan ba ako nagkamali, pwede bang pakisabi? Ano ba ang maling nagawa ko bakit unti unting lumayo ang loob mo sa’kin? Bigla nalang nanlamig ang pakikitungo mo, hindi ko alam kung ano ba ang nagawa ko, kasi pinipilit kong hanapin pero kahit saang anggulo ko tignan ay wala akong makita. Wala akong makita, o naghahanap lang talaga ako sa wala? Ako ba ang nagkamali para bumitaw ka, o nagsawa ka lang talaga? Mababaliw na ako sa kakatanong! Pero hindi ka man lang nagbadyang sumagot at ganoon na lamang kalakas ang iyong loob na iwanan ako ng walang kaalam-alam.

May iba na pala, wala na pala tayo, sumuko ka na pala sa atin, masaya ka na pala sakaniya, bakit hindi ko yata nalaman? Bakit nahuli yata ako sa balita?

Masaya ka na pala sa kaniya, pero sana malaman mo din na sa likod ng kasiyahan ninyo, may isang taong lumuluha ngayon. Isang taong napaniwala mo sa mga katagang “Hindi kita iiwan kasi mahal kita,” isang taong nagmahal at nagmamahal sa’yo ng sobra, isang taong tanga na tatanggapin ka pa din kung sakaling bumalik ka, isang taong handa kang patawarin dahil mahal na mahal ka.

Minahal ba kita? Oo, sobra! Pero ikaw? Minahal mo ba ako? Minahal mo ba ako o ako lang ang nagmahal at patuloy na nagmamahal sa ating dalawa? Huwag mo na palang sagutin, wala din lang namang mangyayari. Wala din lang namang ibang mangyayari kundi ang tanggapin ang katotohanang iniwan mo na ako at masaya ka na sa kanya.

Mag mo-move on nalang ako.

Akala ko ganoon lang kadali ang magmove on, akala ko ganoon lang kadaling kalimutan ka pero mali pala, mahirap pala. Mahirap palang tanggapin at sabihin sa sarili ko na wala ka na sa buhay ko, masakit palang isipin na binitawan mo na ako, masakit palang makita na masaya ka na sa iba.

Akala ko noon, OA na ang mga taong umiiyak dahil sa pag-ibig, pero hindi pala ganito pala kasakit.

Sabi mo hindi mo ko iiwan, sabi mo kaya mo akong ipaglaban, sabi mo hindi mo ako kayang saktan, at sabi mo kahit ang tadhana lalabanan mo ‘wag lang tayong magkalayo! Ilan lang yan sa mga sinabi mo kaya naniwala naman ako, dahil sa buong akala ko lahat yan ay totoo!

Pero hindi, kasi sinaktan mo ako ng sobra! Pero alam mo, kahit gaano kasakit hindi ako nagsising minahal kita, hindi ako nagsising ipinagkatiwala ko sa ‘yo ang puso ko at sana ‘wag mo akong sisisihin kung tutuparin ko iyong pangako kong “Sayo lang ang puso ko.”

Oo, tutuparin ko pa rin iyan, sa ‘yo pa rin ang puso ko, ilibing mo na lang kung gusto mo dahil kahit kailan hindi na ako magpapakatangang ibigay at ipagkatiwala pa yan sa iba.

Salamat, at paalam.

Paalam sa pag-iibigan nating minsan ay pinag-isa. Paalam sa lahat ng ala-alang iginuhit sa ating mga puso noong mga panahong tayo’y magkasama. Siguro nga’y tayo’y ipinagtagpo ngunit hindi itinadhana kaya’t ang pinakamasakit na salita bibitawan ko na.

Paalam dahil hindi na ako muling magmamahal pa at paalam dahil sa pag-ibig ko ika’y malaya na.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleWala ng pag-asa
Next articleIkaw at Ako