Wala ng pag-asa

by Lyka Marie Sangueza Balondo | shared on He Said, She Said |

Parang kailan lang mahal mo pa ako
ngayon parang wala nalang ako para sa ‘yo
sumuko ka dahil pagod ka na
hinayaan kita dahil tapos na

Ang bilis ng panahon
parang nalagas na dahon
di ko alam kung paano aahon
sa buhay kong napakadaming alon

Isa ka sa mga pangarap
na matagal kong hinanap
naniwala sa mga pangako
na akala ko hindi mapapako

Mga salita mong nagdala sakin ng kaligayahan
ngayon ay napalitan ng kalungkutan
araw ay nagdaan ibinigay mo sa ‘kin
ang iyong pagmamahal na inaasam ng karamihan

Pinilit kong kumapit
kahit ang sakit-sakit
bakit ganito ang sinapit
ganito ba talaga ang kapalit

Hindi ko alam
umalis ng walang paalam
hindi ko inaasahan
na mawawala ng biglaan

Sabay tayong nangarap
pero nawala ng isang iglap
hindi ko inaasahan
mawawala ng ganun-ganun na lang

Ang tulang ito ay inaalay ko sa ‘yo
kahit ako ay iniwan mo
tandaan mo
hindi ako magbabago.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments