Tamis at pait ng nakaraan

by Lyka Marie Sangueza Balondo | shared on He Said, She Said |

Nagising ako isang araw, humanap ng dahilan kung bakit mo ako iniwan.
Ipinikit ko ang aking mga mata ngunit wala ni isang luhang pumatak.
Sinabi ko sa sarili ano ba ang nagawa?
May mali ba sa akin nang mahalin lang kita ng tunay?

Masaya kapag naaaalala ko lahat ng nagawa natin.
Masaya kapag naaaalala ko ang mga pag-aalaga mo sa relasyong binuo natin.
Mga pagkakataong walang tigil sa pagngiti ang aking matamis na labi.
Sa mga “Mahal kita.” Mong patuloy kung sambitin.

Akala ko nga ay masaya.
Hanggang sa isang araw nalaman ko ang isang balita.
Nawalan ka ng oras nang hindi sinsadya.
Ngunit ang totoo pala ay meron ka nang iba.
Saan ba ako nagkulang?
Ang dating sobrang tamis dinaig pa ang pinakamatapang na kape sa pait.

Ang saya niyo pa nga noong nkita ko kayo.
Walang pagsidlan ang lambingan ninyo.
Ganoon mo na pala itinapon lahat ng nagawa ko.
Pero wala e. Nagmahal lang naman ako pero sa iyo pa.
Sa iyo pa na maling tao.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments