Ito Na Ang Huli

ang huli

Hindi ko alam kung bakit pagkatapos ng saya e lungkot naman ang kasunod nito.
Hindi ko alam kung kelan nagmahal ako ng totoo at sigurado e nasaktan mo pa ako.
Hindi ko alam kung bakit pinaglalaban ko pa yung taong pinaparamdam na sakin ay hindi na totoo.
At hindi ko alam kung bakit ginagawa ko to lahat para sayo.

Baka kasi sobrang mahal lang talaga kita.
Baka kasi ayoko lang mawala ka.
O, baka kasi takot lang talaga akong makita kang hawak na ng iba.

Bakit ka naman nagbago mahal?
Bakit kailangang umabot tayo sa lungkot, sa sakit, sa pagkadurog ng pusong walang ibang ginawa kundi ang magmahal?

Na walang ibang inisip kundi ikaw.
Ikaw na nagpabago sa buong pagkatao ko.
Ikaw na halos ginawa kong mundo.

Nalimutan mo na ba?
Yung saya?
Yung lambing?
Yung halik?
Yung yakap?
At yung kilig?
Hindi mo nga naman alam kasi wala ka ng pakialam.
At ngayon mas lalo ko lang napapatunayang hindi ko alam ang dahilan kung bakit ka nga ba ganyan.

Pero bakit nandito na tayo sa dulo na walang ibang ginawa kundi umintindi.
Umunawa kahit wala ng maintindihan masabing “okay lang ako” samantalang sa kabila nun ang mga salita palang yun e “nadudurog ako”
Na baka kasi pag nagtalo pa sabihin mong “Iwan mo nalang ako”.
Ganun nalang ba kadali sabihin yung mga salitang yun?
Na hindi mo makuha at maramdaman yung sakit na nadarama ko.
Na hindi pwedeng magsabi ng salitang “pagod na ako” dahil baka isagot mo lang ulit yung kinakatakutan kong “itigil na natin to”.

Pero kung malalaman mo kung ano ang totoo?
Oo, pagod na pagod na ako.
Oo, gusto ko ng sumuko
Oo, gusto na kitang iwan sabi ng isip ko
At OO ayoko na buo na ang loob ko.

Pero bakit ganun?
Bakit hanggang ngayon hindi parin ako makabitaw?
Bakit hindi ko magawa?
Bakit hindi ko kaya?

Ang daming tanong sa isip ko
Pero umaasa parin ako na isang araw bumalik ulit yung dating ikaw.
Yung dating tayo.

Kasi miss na miss na kita
Sobrang miss na miss kita
At kahit ito pa ang maging huli para sating dalawa.
Wala akong pagsisisihang pinagkatiwalaan kita, nakilala kita at sobrang minahal kita.

Dahil ang gusto ko lang maging masaya ka sa lahat
Malaman ko lang yun masaya na rin ako kahit hindi dapat
Kasi nagpakamartir ako
Kasi pinanghawakan ko mga pangako mo.
Pero hindi ako nagsalita kasi wala ka ng maririnig na kahit ano.
Dahil sa tula na ito kaya ko ng sabihin pa
At dahil sa tulang ito nakasaad lahat ng kalungkutan at pagkabigo nito kahit alam ko na.
Alam ko na.

Na ito na ang huli
Salamat sa mga bumuo sa salitang “MAHAL NA MAHAL KITA”
at kung ito na nga talaga ang huli para sating dalawa
“Mahal, MAHAL NA MAHAL DIN KITA” pero malaya ka na.

-Cy

(Visited 2,276 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments