Kaibigan

Kaibigan
pexels-photo-3775545

HeSaidSheSaidPH.com | ni Jamie Anne Nicolas Tabuyo

Ilang luhang nagkukubli sa matamis na ngiti
Maskarang pilit na itinatago ang sakit ng bawat sandali
Bakit?
Bakit pilit mong pinagtatakpan ang iyong kahinaan?
Bakit pilit mong sinasarili ang lahat?
Kaibigan,makiramdam ka
Nandito ako para sayo
Talikuran ka man ng lahat nandito parin ako hinding hindi aalis sa tabi mo
Palaging makikinig sa hinaing mo sa mundo
Handang maging panyo gumaan lang ang pakiramdam mo.
Kaibigan imulat mo ang iyong mga mata
Ayaw man sayo ng iba,
alalahanin mo nandito ako sasamahan kita.
Lunod ka man sa problema,
nandito ako magpapaka salbabida, isasalba ka mula sa karagatan ng problema.
Madilim man ang mundo mo,
handa akong maging kandila handang maubos handang mawala.
Mapakita ko lamang sayo na may pag asa
Habang ako’y humihinga, hindi ka mag iisa.
Kaya ngiti na kaibigan,
Sabay nating harapin ang lahat ng problemang ating madaraanan.

Comments Go Here ▼

Comments