Kaibigang nagka-iwanan

kaibigang nagka-iwanan
Image Credit: Pexels.com

HeSaidSheSaidPH |

Madaming klase ng kaibigan
Yung iba nakilala sa paaralan
Sa lugar na kinagisnan
Yung iba sa galaan
At bawat kaibigan
Iba-iba ang pinagmulan
Pero kung ako tatanungin
The best Yung kaibigan
Nakilala sa asaran
Yung tipong parehas
Kayong nagpapatingasan
Kaliwa’t kanang asaran
Hanggang sa di inaasahan
Paunti-unting nagkahulugan
Ngunit walang nag nais panindigan
Ang nararamdaman
Dahil kayo’y nag-aasaran lang
Kayat nagpatuloy lang
Patagal ng patagal palalim ng palim
Ang pinag-uusapan
Hanggang sa magpasya
Ang isa na sumugal
At lumampas na ang samahan
Sa pagiging magkaibigan
Sa pagiging magka-ìbigan.
Mistulang romantiko ang samahan
Ngunit di maiiwasan sa magkasintahan
Ang di pagkakaunawaan
Sa unang pagkakataon inyong nalampasan
Ngunit patagal ng patagal
Pabigat na ng pabigat ang nararamdaman
Subukan ninyo mang ipaglaban
Pag tadhana na ang kalaban
Wala rin kalaban-laban
Kayat ganun-ganun lang
Na ang pagsasamahang
Matagal ninyong inalagaan
Ay mapupunta lang sa kawalan
At yung pagmamahalang
Nagsimula sa pagiging magkaibigan
Magtatapos lang sa napakasakit na iwanan

ni makatamad

(Visited 4,464 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments