Kapag Wala ng Tayo

by Ishi Padua | shared on He Said, She Said |

Kapag wala nang tayo
Babalikan ko yung unang salitang sinabi mo
Yung unang nagpangiti na tila ba’y nakakakiliti
Na hindi ko kayang bawiin ang pagkurba ng aking labi

Kapag wala nang tayo
Babalikan ko
Yung paghawak mo sa aking kamay
Na tila gusto kong mahimatay
Babalikan ko
Yung pagpisil mo sa aking mga pisngi
Sa sobrang kilig, gusto kong mapaihi
Babalikan ko
Yung paghalik mo sa aking labi
Babalikan ko lahat ng matatamis na sandali

Pero kapag wala nang tayo
Isipin mo parin sana ako
Balikan mo yung unang salitang sinabi mo
Pumikit ka’t alalahanin ang ngiting binigay mo sa akin
Damhin mo ang kamay kong halos ayaw sayong bumitiw
Ang pisnging naghihintay sa muli mong pagpisil

Kapag wala nang tayo
Babalikan ko lahat ng ito

Kapag wala nang tayo
Sana Isipin mo pa rin ako

Kapag wala nang tayo
Isipin mong naghihintay parin akong babalikan mo


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments