Kung Sana Puwede Pa

Kung Sana Puwede Pa
 
Hindi ko alam bakit andito pa din ako?
Andito sa lugar kung saan nabuo ang dating tayo.
Dating tayo na halos hindi mapaghiwalay ng kahit sino.
Dating tayo na kahit ipitin ng pagkakataon ay hindi pa rin nabubuwal sa pagkakatayo.
Ano nga ba ang nangyari?
Sino nga ba ang nagkamali?
Saan tayo nagkulang?
Kailan nga ito nangyari?
Ang hirap…sobrang hirap…
Hindi ko alam ang mga sagot sa mga tanong na gumugulo dito sa aking puso at isipan…
Kung sana puwede pa…
Ibalik ang dating tayo…
Ibalik ang panahon na walang iba kundi ikaw lang at ako…
Pero paano nga ba maibabalik ang bagay na puro lamat na?
Paano nga ba mangyayari na maayos pa ang puso na labis ang tinamong sugat?
Minahal kita ng sobra, alam mo yan…
Pero hindi pa rin ba talaga sapat ang lahat?
Hindi pa rin ako sumapat sa puso mong labis humingi ng sobra???
Marahil nga ay hanggang dito na lang…
Dahil ang dating IKAW at AKO ay ako na lang…
At ang dating TAYO, ngayon ay wala na…
Hindi ko na din siguro dapat hingin na masagot mo ang mga tanong na matagal kong inisip…
Panahon na upang ako na lamang ang mag isang magsarado ng pinto ng ating nakaraan…
Kahit na ayoko pa…
Dahil sa pagsarado ng pinto na iyon ay hindi na kita matatanaw…
Masakit man ang pagsara pero marahil ay ito ang tama…
Upang sa ibang pinto ng pagkakataon at pag ibig naman tayo makapasok…
Wala ng TAYO pero may bago…
Wala ng TAYO pero may pagkakataon namang maghilom ang sugat sa nakaraan ko…
at kung sakaling kumatok ka sa ating pintuan…
Ito ay aking bubuksan…
Bubuksan upang iyong makita na ako ay nagbago…
Nagbago dahil hindi na ikaw ang mayroon ako…
Nagbago dahil hindi na ikaw ang taong gusto ko sa buhay ko…
Dahil may bago ng pag ibig at pagkakataon na nagbukas ng kanyang pinto noong kumatok ako…
Kaya hahayaan kitang lumakad palayo…
Dahil alam kong sa paglayo mo ay kailangan kong tumayo upang ayusin ang sarili ko…
May oras sa paghilom…
Hindi man ito ngayon…
Pero alam kong malapit na…
Kaya kung sana puwede pa…
Sana…pero palagay ko ay tama na.
(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments