Loob ng Kahon

Loob ng Kahon

Minsan sumagi sa isip oras hindi namimili tadhana laging sinisilip bawat segundo may pinupunto,
buhay na hiram saglit lang dadaan mga bagay na walang kinahihinatnan,

Saglit nakasiyahan maliit na pangsaklob sa napakalaking kalungkutan, Parang may kulang di laging sapat sapagkat di natin alam ang tunay sa hindi mga taong pinipeke kanilang mga ngite.

Blangkong kahon pilit na binabaon pagkatao di na makatao imbis makisalimuha di na nakuhang lumingon.

Buong tiwala kinahon para dina masabing laging patapon bawat salita humihiwa sa diwa para silang mga kampon.

Panahon di na naka ahon kasi hindi na makatalon mga problema sing lalim na ng balon.

Naisip na solusyon mukhang problema lang din ang tugon lahat makakaalala pag munting alaala nalang ang dating ambon.

Buhay saglit lang hiram pero bakit laging ganyan imbes na magtulungan nag hihilaan, balang araw luluhod sa harap para magsabi kung ikay matatanggap saka lang maiisip kapag huli na ang lahat.

-equalizer

(Visited 4,455 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleMy Love
Next articleMapagpalaya