Mahal Pa Rin Kita

by Jericho James Galinato | shared on He Said, She Said |

Paano ko nga ba ito sisimulan?
Kung ako ay iyong iniwan
Ako ay luluhod sa iyong harapan
Dahil ikaw pa rin ay mahal.

Kahit na may iba ka na
Ikaw pa rin, walang iba
Sana’y patuloy mong diringgin
Ang kinikimkim kong damdamin.

Sinong mag aakala
Ako’y patuloy na umaasa
Pag-ibig mong hindi na makakamit
Dahil atensyon mo sa iba naaakit.

Ang ating relasyon ay sinira
Ng sinasabi nilang si Tadhana
Pero kay kupido nag mamakaawa
Na sana’y ika’y muling ipana.

Kalimutan mo man ako
Pagmamahal ko’y du magbabago
Ilang ulit ko itong sasabihin
Ikaw ay mahal na mahal pa rin.

Kung gusto mo na talagang itigil to
Sige papayag na ako sa gusto mo
Handa na akong magparaya
Dahil alam ko dito ka masaya.

Kahit anong mangyari sa atin
Ika’y patuloy na susuportahan
Ang tanging gagawin ay maging manhid
Para hindi na muling masaktan.

Masakit man ito sa akin
Ikaw ay aking palalayain
Ang dapat na lang gawin
Ito ay tanggapin.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments