Muling Pagsilay sa Paraiso

Muling Pagsilay sa Paraiso

Ni Silentwolf

Salamat!
Narito na ako!
Narito na sa tinatawag nilang paraiso.
Lugar kung saan banayat ang lahat,
Walang halong bigat, puro gaan.
Tila nasa ulap, ito na ba ang walang hanggan.

Hindi ko alam.
Sa pagtanaw sa kalayuan, ay nilamon ng daluyon sa pampang.
Kasabay nang pagtingala sa langit, narinig ko ang mga ibong umaawit.
Ibalot ako ng malamig na hangin dumampi,
tila pahiwatig na totoo nga ang lahat ng nangyayari.

Anong nangyari at narito ako?
Binabangungot ba ako?
Dahil kahapon lang; wasak na wasak ako maging ang aking mundo.
Kaya paano ako umabot dito?

Simulan natin muli sa wakas.
Mula sa mga pira-pirasong naiwang bakas.
Kahit walang lakas, iisa-isahin ilalantad at ilalabas.

Mula sa matayog na kapahon,
Hangang sa sinalanta ng matinding sakuna, kung saan lahat ng ipon ay natapon.
Mabilis na arangkada, sa kalsadang napili kung saan sinimulan ang karera.
Tungo sa pinapangarap na buhay na makulay.

Ang pagpagaspas ng aking pakpak ay binilisan pa upang agad matagpuan ang ulap.
Narating ko!
Ngunit katulad ng mahabang kalsada ay may biglang liko.
Na tila sa gitna ng gabi, ay nasilaw sa dalawang malaking ilaw kaya hindi na na-itabi.

Malakas ang pagkakabangga, tumilapon hindi na makagalaw pa.
Tila isang batang nadapa.
Hinayaang umagos ang luha sa mga mata.
Hanggang ang isip bumalik sa katinuan.
Handa na akong tumayo at patunayan-
Na hindi lahat nang nadadapa ay nanatili sa baba.

Tibayan ang loob, isantabi ang maling kutob.
Maniwala at magtiwala na sa itaas kung saan nagmumula ang kulog.
Isipin na pagsubok lang ito, na minsan malabo lang talaga ang mundo.
Unti-untihin ang pagbangon, ganon din ang pag-ahon.
Huwag kang mawawalan ng rason.
Hanggang mahanap mo muli, ang mga lumisan at na walang ngiti.
Ihakbang ang mga paa kahit pa-isa-isa,
Hanggang ang dating lakas ay bumalik na.
Sa pagkakataon iyon ang tadhana kumakatok na.
At ang bahaghari ay muli nang magpapakita.

Handa ka na ba?
Handa na ba ako?
Kaya ko na ba?
Tataya ba ako muli o susugal?
Sa tinatawag nilang pag-ibig
at walang hanggang pagmamahal.

Gayo’y alam ko na kung gaano kahasik, kapait, sumugat at magparamdam ng sakit.
Ngunit susubukan muli, susugal ako.
Pero ngayon alam ko na, ang limitasyon ko.
Hindi lalapit ng sobra kundi yung sapat lang.

Sapat lang.
Distansiyang tama lang,
na maaabot mo siya, at maramdaman ka niya.

Simulang usisahin mula sa pinakamalalim hanggang sa walang kwenta.
Ditansiyang tama lang, na katulad ng papel at pluma.
Mula sa malinis na walang bahid nang guhit,
pag-iisipang mabuti kung anong konsepto ang ititipa.
Sisimulan nang isalansan ang mga letra’t salita.
Piling-piling mabubulaklak na tugma. Buburahin ang di akma papalitan upang lalong gumanda ang paksa.
Ibabalanse na parang nagtatalo sa pait at saya.
Nagbabakasakaling muling tumibok ang puso.
Na matagal ng di umibig at nanatiling sarado.

Distansiyang sapat lang,
Patigan ni ikaw at ako, tamang tantsa lang.
Upang aking masilip kung may patutunguhan.
Kung ipagpapatuloy pa o puputulin ko na.

Pero teka, bakit ganito.
Tila ako’y nahipnotismo.
Dahil mula sa Distansiyang sapat lang ay lumalapit pa ako.
Lumalapit pa ako, palapit nang palapit sa iyo.
Na tila kulang ang sapat lang.
Kaya lalapit pa ako.
Hanggang sa maabot mo na ang buo kong pagkatao at ganon din ako sa iyo.
Hanggang ang mga maling pananaw ay mabura na.
Hanggang ang mga tanong ay masagot na.
Hanggang sa ako’y muling maniwala.
Hanggang sa mapalawig ang mundo kung saan ako matagal mag-isa.
Hanggang ang mundo mo at mundo ko at magka-isa na.

Dahil ang kwento natin ay matagal ng nakasulat.
Matagal ng nililipad ng hangin sa likod ng mga ulap.
Matagal ng nilalayag ng mga alon sa dagat.
Mula sa mga tala sa langit, sa pag-ibig na mapanakit.
Kung saan-saan tayo dinala ng tadhana.
Sa piling ng iba.
Pinaasa, pinaiyak, sinaktan, dinurog, sinugatan.
Pinaniwala na wala talagang, walang hanggan.

Ngunit ang lahat ay nag-iba.
Sa huli, ikaw at ako, tayo pala tunay na itinakda.
Ngayon ako’y naniniwala na.
Na sa mundong magulo at madaya,
Sa mundong binabalanse ng mali at tama, pangit at manganda, tubig at lupa at marami pa.
Mayroon isang nakalaan para sa iyo, upang ibalanse ang magulong mundo mo.
Upang gawing itong paraiso.

Simulan natin sa wakas.
Sawakas nagsimula na, Salamat!

07-09-19

(Visited 5,569 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments