Mundo’y Hindi Naging Ikaw

Mundo'y Hindi Naging Ikaw

ni April Jay Paredes

Planeta ng hindi natutupad na mga pangarap
Daigdig ng mga taong sarili ay hindi mahanap
Mga tala na ang liwanag ay hindi na kumukutitap
Mga alaalang hinahabol na hindi na natin mahagilap

Mga kaluluwang nakakulong sa salamin
Mga katanungan na ang sagot ay hindi na dapat pang alamin
Mga lihim ng kailaliman na mananatiling mga lihim
Mga pintig ng puso na hindi na dapat pang sundin

Isang kometang naligaw ng landas
Isang motorsiklong tumalsik ang angkas
Isang atletang ang sapatos ay natanggal ang sintas
Isang aspalto na sa lamig ay naglaho ang tigas

Ikaw ang Mercury ng mapapait kong mga ngiti
Ikaw ang Venus na sa akin ay nagpasawi
Ikaw ang Mars na nagdulot ng hapdi
Ako ang iyong Earth….hindi nga pala, hindi

(Visited 4,469 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments