Naalala ko pa

pad00190-01.tif

by Cake Lover | shared on He Said, She Said |

Naaalala ko pa, nung una kang nagchat, na lagi tayong late reply dahil hindi natin maabutan na naka online ng isat-isa.

Naaalala ko pa, kung paano mo hiningi ang celphone number ko, at kung paano ako napangiti sa pagsasabi mong nagpaload ka pa kaya nun ka lang naka pagtext.

Naaalala ko pa, nung tinawagan mo ako pero hindi ko sinagot kasi hindi ko alam kung ano ang sasabihin, pati yung unang beses na kinantahan mo ako sa tawag.

Naaalala ko pa, ang pagiging tulala ko dahil sa tanong mong may pag-asa kayang maging tayo. Naaalala ko pa, ang lahat-lahat, sana ganun ka rin…

Kaya lang malabo yata, malabo dahil masaya ka na sa piling ng iba. Na dating inakala kong ako lang, ako lang ang bumubuo ng araw mo, nagkamali pala ako.

Kung sinabi ko kaya noon na gusto kita, ako kaya yung kahawak kamay mo? Ako kaya yung inaalalayan mo? Ako kaya yung mamahalin mo?

Sana pala hindi ko tinago yung nararamdaman ko, kasi ako lang yung masasaktan sa huli, ako lang yung magsisisi.

Pero mas grabe yung sakit na naidudulot sakin ng pag-aakalang naaalala mo din ang lahat yun pala nalimot mo na ang meron tayo.

Saglit, wala nga palang tayo, ikaw at ako lang, tulad ng “at” nakapagitan sa ikaw at ako, may mga bagay na hadlang parang maging isa tayo at kailangan kong tanggapin iyon na haharapin ko nanaman ang panibagong araw na may iba ka ng mahal.

Siguro nga kailangan ko na ding kalimutan yung mga bagay na bumuo sa kwento natin dahil tulad ng mga kwento may wakas din ang kasiyahang dulot mo, may hangganan din ang pagiging masaya ko sa piling mo.

Salamat at paalam, mahal ko.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments