Paano nga ba?

by Jennilyn Padua | shared on He Said, She Said |

Paano nga ba wawakasan
Ang isang pangungusap na mayroon lamang pangalan
Walang pandiwa, walang pagkakakilanlan
Na hanggang ngayon, bumabagabag parin sa aking kalooban

Paano ba tuluyang maisasara
Ang telon ng ating kakarampot na pag-asa
Kung sa tuwing hila ko dito ako sa iyo’y nawawala
Hindi makita ng mata
Hindi marinig ng tenga

Paano nga ba tutuldukan
Ang mga pangako nating wala nang pupuntahan
Ang mga sulat na lukot na kakabasa
Humahanap ng dahilan kung bakit lahat ay nawala

Paano ba kita lilimutin
Kung naalala kita saan man ako tumingin
Kung sa bawat samyo at ihip ng hangin
Nararamdaman kong muli ang higipit ng yakap mo sa akin

Paano natin tatapusin ang kuwento
Isang guni-guni na may ikaw at ako
Kuwentong kailan ma’y hindi natin sinimulan
Isang ala-alang hindi na ntin mababalikan.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleNoon, Ngayon
Next articleSaviour