Paghahalintulad

ni Vincent Woods | shared on He Said, She Said |

Inihahalintulad kita sa isang ibon
Hindi sa ibong malaya o ibong nakakulong
Ikaw yung ibon na tinitingala ng ilan
Meron kang angking ganda na hindi nakikita ng iba
Tinanong kita kung sakaling maputulan ka ng pakpak,
Handa ka ba na tanggapin ang iyong pagkabagsak?
Kahit na masakit kaya mo bang magtiis?
Magtitiis at susubukang bumangon ulit?

Sabi mo madali kang ma-fall
Dahil sa sinabi mo nakaramdam ako ng konting pag-asa
Pero pinagsabay mo kaming dalawa
Ano yun? Nahulog ka sa dalawang lawa ng hindi sinasadya
Hindi na ko makikipagtalo pa
Umpisa pa lang alam ko na siya,
Siya yung mas pipiliin mo sa aming dalawa
Kaya ngayon palang hindi ko na ito pahahabain pa

Isusuko ko ang lahat kahit ito’y labag
Labag sa ‘king loob hanggang kalamnan
Tagos puso at ako’y duguan
Walang sugat ngunit nasasaktan
Takot ng masaktan
Kung pwede lang ako’y iyong lubayan
Kung maaari lamang wag mo na kong lapitan
Ayaw na kitang masilayan

Diba’t masaya ka na sa piling niya, hindi ba?
Ngayong kayo na bakit naghahabol ka pa?
Nagsisisi ka ba, bakit siya?
Bakit siya yung pinili mo kaysa sa tunay nagpapahalaga?
You made me fell and it was hell
Sabi mo nahuhulog ka na rin sakin
Pero bakit yung atensyon mo sa iba pa rin nakabaling?
Magpakatotoo tayo, alam ko na walang pag-asang maging tayo

Hindi ako natanggap ng simpatya sa ibang tao
Ayoko ng kinaaawaan ako
Hindi ko kailangan ng awa mo
At higit sa lahat hindi na ko magpapakatanga ng dahil sayo
Naka move-on na ko’t lahat-lahat
Saka ka babalik para ipaalala ang lahat?
Ngayong okay na ko saka ka babalik?
Ibabalik yung mga ala-alang masasakit?

Bakit ganyan ka?
Hindi pa ba sapat na sinaktan mo ko ng once?
Imbis na humingi ka ng One more chance
Humirit ka ng Second chance
Magkaiba ang One more chance sa second chance
Kung Once more yung hiningi mo sakin
Tatanggapin ulit kita, pero dahil 2nd yung pinili mo
Parang sinabi mo na ring “sasaktan ulit kita for the 2nd time”

Aaminin ko sa sarili ko mahal pa rin kita hanggang ngayon
Pero patawad mahal, hindi na natin maibabalik pa
Yung mga araw na tayo’y masaya at kapiling ang isa’t-isa
Patawad ulit, kase hindi na yun mauulit pa
Inuulit ko, Inihahalintulad kita sa isang ibon
Ibon na tinitingala ng ilan,ibon na may angking ganda na hindi pansin ng iba
Pero ikaw rin yung ibon na hindi pinahalagahan, inalagaan
at hinayaang masaktan
Kung umpisa pa lang ako ang iyong piniling minahal
hindi ka hahayaang humantong sa ganyan


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.
Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com
He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments