Surpresa

ni Jemafapo | shared on He Said, She Said |

Palapit noon ang ating anibersaryo.
Gabi gabing nagpupuyat para sa surpresa ko
Sumabalit ako yung nasurpresa ,
Sa balitang may nililigawan ka nang iba .

Tinanong ko sa ‘yo
umaasang di totoo
ngunit sa iyong pag OO
ang mundo koy unti unting gumuho

Tinitigan kita bago ko lisanin
lugar na s’yang saksi sa ‘king damdamin,
Hinihiling ko na ako’y iyong habulin,
Ngunit ako’y bigo pa rin .

Mga luhang umaagos sa aking mukha
SA katotohanang pilit na bumubuka
Wala akong magawa kundi umiyak
Sa sakit ng pusong winasak

Umuwi ako sa aming bahay ,
Ng walang kabuhay buhay .
Walang ngiti na sumilay
Ako’y dumating na parang patay .

Humilata at nagkulong sa kuwarto .
Humahagulgol ng husto ,
Tumitig sa kisame,
Maghapong nakatameme.

Gabi ng naisipan kong i-dial ang iyong numero .
Nagbakasakaling isip mo’y magbago .
Nagmakaawa ako at sinabing di ko kaya .
Pinapili kita pero sabi mo kaming DALAWA

Ramdam kong ika’y nahihirapan.
Gayun din ang aking nararamdamn
Ikaw na naguguluhan
At ako na nasasaktan.

Pawang mga hagulgol natin ang naririnig.
Sa huli ako’y iyong pinili
Puso’y sobrang nagbunyi
Pagmamahalan pa rin natin ang nanaig

Sa pagtila ng ulan s’ya rin ang pagtuyo ng luha,
Mga ngiting nakadikit sa aking mukha ,
Na parang walang naganap na iyakan
Na isa lamang iyong katuwaan.

Itinutuloy ko ang ‘explosion box’ para sa ‘ting aniberasryo,
Nang biglang tumunog ang selpon ko
Dali daling binuksan ito
Pangalan mo ang nakarehistro

Halo-halong emosyon ang nararamdamn
Masaya ka ba na ako’y pinaglalaruan
Sa mensahe mong mahal mo na s’ya
At ayaw mo na akong paasahin pa

Tuloy-tuloy ang agos ng luha sa ‘king mukha
Halos dko na maaninag ang aking ginagawa.
Ang sakit sa katotohanang.
Iniwan mo ako ng wala lang.

Ginawa ko lahat para ika’y manatili
Ngunit ano ang iyong isinukli
Ang sakit na di maitatanggi
Dahil iba ang iyong pinili

Nagsimula tayo ng biglaan ,
Biglaan rin pala ang iyong paglisan.
Sinayang mo ang tayo
Na ngayo’y naglaho

Ang pagmamahalan sa atin ay tapos na.
Awat na, tigil na
Huwag ka ng maging tanga
Dahil hindi na ikaw ang sigaw ng puso n’ya kundi iba na .
Kapag mabasa mo to sana malaman mong you will always be my friend
You will always be my first love.
I will never regret being with you
Because once upon a time
You were my everything .
But we need to accept the fact that our love story has an ending
Not happy nor fairy tale that everyone wishes for but a tragic one.
I realized that at the end of the day
I’m not just a GIRL but I’m a WOMAN who deserves to be loved and appreciated


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.
Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com
He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articlePaghahalintulad
Next articleHeartbreak