Pagkakamali

Pagkakamali

ni Rencie Olarte

Isang gabing hindi ko inakala,
Isang gabing matuturing kong pagkakasala,
Isang gabing gusto kong itama,
Isang gabing nagwasak saking pangarap.

Kong pwede lang ibalik ang lahat,
Gusto kong gawing tama,
Masakit isipin na naging isa akong lapastangan,
Dahil sugat na naman ang dulot nito sa aking magulang.

Sa Gabing puno ng tawanan kasama mga kaibigan habang nag iinuman,
Dahil sa kalasingan, nawasak aking pinanghahawakan,
Bagay na dapat sa magiging kabiyak habang buhay ang dapat kumuha,
Pero sa isang gabi na yun ay nawala.

Isang gabi na pilit kong pinagsisihan,
Isang gabi na puro luha ang naging kinabukasan,
Wala akong magawa kundi pagsisihan,
Pero kahit anong luha di ko na matatama.

Araw-araw sa aking ipapaalala,
Mga pangako kong binitawan sa aking magulang,
Hindi mga tao ang aking kalaban kundi sariling konsensya,
Habang nakikita ko aking magulang.

Pero mas lalo akong mawawasak,
Kung magkakaroon ng bunga ang pagkakamali aking natahak,
Kahit pilit kong luha ay wala akong magawa,
Dahil ikaw mismo ayaw mong panindigan iyong nagawa.

(Visited 4,470 times, 2 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments