Pagkakataon

by Homer Nievera | shared on He Said, She Said |

Bawat tao, may paniniwala,
Hindi pare-pareho ang tagpo,
Kanya-kanya, may sariling palo.

Iisa lang ang ikot ng mundo,
Kahit iba pa ang iyong tungo,
Isang araw ang tinitingala,
Iisang Diyos ang tanging lumikha.

Maging iba man ang ating lahi,
Kung minsan pa’y hindi magkabati,
Sa pananampalataya’t puso’y
Sadyang iisa’t nagkakatahi.

Lahat ng nilikha may dahilan,
May sadya kung ano’ng patunguhan,
Sa puso ito ay nakatanim,
Pakinggan ang bulong at namnamin.

Kaya’t bago lumawig ang gulo,
O dumanak sa lupa ang dugo,
Magbalik-loob sa Panginoon,
Habang meron pang pagkakataon.

[November 23, 2008]

Feel free to send in your poems via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done weekly. If they’re not posted yet, please send in another one.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments