Pangalawang Pagkakataon

Pangalawang Pagkakataon
Image: pexels-photo-4050079

ni Kyla Andrea Campillan | Pangalawang Pagkakataon

Nung nakilala kita,
dun ako nagsimulang sumigla.
Nabuo ang pag asa sa puso,
na akala ko ay bato na.

Maraming pangako ang binuo,
pero, ba’t unti-unting napapako.
Ako nga ba ang nag-iba,
o baka, pareho lang tayong dalawa.

Anlamig mo na,
kaya tinapos ko na.
Akala ko kaya ko,
pero di rin pala.

Ako ang lumayo sayo,
ngunit puso’y dumurugo.
Sa tuwing naririnig ang pangalan,
puso ko’y nasasaktan.

Ba’t ganun ang naramdaman,
puso kong sigaw “you’re the man”.
Bumalik ako sayo,
pero pinagtulakan mo.

Pinilit kong maging masaya,
kahit alam kong di kaya.
Mahal kitang lubos,
kaya pag ibig sayo’y binuhos.

Gabi-gabing humahangos,
balde-baldeng luha ang binuhos.
Paghihinagpis ang naranasan,
habang ang tanong “ika’y nasaan?”.

Mahal kita yan ang alam ko,
pero sapat na yung sakit para tumigil ako,
Pasensya na tao lang ako,
napapagod din tulad mo.

Pasensya na dahil pinilit ko ang sarili ko,
kahit sabi mo ayaw mo.
Pasensya dahil ako’y umasa,
na ang dati ay bumalik pa.

Pasensya dahil sobrang minahal kita,
at sa mata ko’y perpekto ka.
Pasensya dahil ako’y nagpapakatanga,
Dahil ako sayo’y hangang hanga

Di kita kinausap,
nung ika’y nakiusap.
Sabi mo mahal mo ko,
sabi ko “wag mo kong pinagloloko!”.

Pero ang totoo,
ikaw lang ang mahal ko.
Natatakot lang ako,
na bumalik at muling iwan mo.

Ngunit aking di kinaya,
puso ko’y muling nagparaya.
Binigyan kita ng pagkakataon,
sana’y paghihintay mo’y walang limit na panahon.

Muli ako’y sumaya,
nabuo ulit ang pag-asa.
Na tayo hanggang huli,
at hindi pa iyon ang huli.

Ako’y walang pinagsisihan,
sa pagkakataong ika’y binigyan.
Salamat at iyong minahal,
ang pusong ikaw lang ang minamahal.

Salamat ako’y iyo muling binalikan.
Salamat at ako’y iyong di kinalimutan.
Salamat dahil ika’y nagising,
mula sa pagkakatulog ng mahimbing.

Salamat at sa akin mo binuhos,
ang pagmamahal mong lubos.
Salamat dahil hindi mo kinalimutan
ang pangako mong “ako at ikaw magpakailanman” .

Dun ko napatunayan na hindi lahat ng tapos na,
ay kailangang kalimutan na.
Merong naghihintay lang ng panahon
upang mabigyan ng Pangalawang Pagkakataon.

(Visited 2,247 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments