Sa Puting Papel

Sa Puting Papel

ni jez rico cuenta | from our FB Group

Isang puting papel sa aking harapan
Hibo ng damdaming isulat, ilahad
Antak ng puso sa kahapong nagdaan
Na dinulot ng paglisan mo sa akin mahal.

Sariwa pa sa alaala ang tagpong iyon
Alimbayaw ako habang ika’y palayo
Pangarap ko ay mistulang moog na naguho
Iniwang nagdurusa may luhang nabuo;
Na nilango sa hapis at pagkasiphayo.

Ang umalo sa akin ay pananahimik
Sa kirot na isiping,ulila na giliw
Sa matamis na pagsintang pinagsaluhan natin
Kailangan kong limutin ng aking mapanatili;
Katinuan ng isip kong nagpipilit dumilim

Sa kaunting ilaw-dagitab ng aking pag-asa
Nakikisuyo akong itanglaw sa mata
Gayunpaman dalangin nawa’y itadhana
Ang mabuting kapalaran sayo sinta
Tagumpay ay itulot ng Diyos na dakila!

At sa pagwawakas sa takbo ng pluma
Sa pagsasaysay ko ng nadarama
Itutupi ko ang papel na ito,
Kasabay ng aking pamamaalam sa iyo.

(Visited 4,507 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleAkala Ko Ikaw Na
Next articleSana