Sana

Sana

ni Jeni Morante | as posted on our FB Group

Sana pag nakita kita sa tamang panahon na
Sana sa panahon na ako’y at ikaw ay handa
Sa panahon na ikaw may paninindigan na
Sa panahon na alam mo na ang gusto mo
Sa panahon na sigurado ka na
Sa panahon na ang iyong puso at isipan ay iisa
Sa panahong di na puro laro kundi seryoso na
Sa panahon na ako naman ang mahal
At sa panahon na papatunayan mo na ako lang at wala ng iba
Pero sa ngayon hayaan mo ang panahon ang magturo sayo papunta sa kung saan andun ako at mag hihintay at maramdaman mo na ako ang tamang babae na hinihintay.

(Visited 4,497 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments