Tama Na

Tama Na

Masarap isipin na sa bawat kilig.
Mayroon pa ding pusong pumipintig.
Na sa bawat halakhak.
May puso pa ding nagagalak.

Hanggang kailan mapapagod ang pusong ito?
Ang tanging hinahangad lang ay pag-ibig mo.
Kailan ang araw na mawawala sa isip.
At makalaya sa lahat ng pait.

Damdamin na sobrang bigat.
Isipan na tila wala na sa ulirat.
Puno ng galit at pighati.
Hindi sayo pero dahil sa sarili.

Hindi sinasadyang umasa.
Kumapit pa din dahil sa konting tyansa.
Na baka pwede pa nga.
Kahit magmukha nang tanga.

Kaya ngayon hindi mo naman kasalanan.
Ako lang siguro ang nagbibigay ng kahulugan.
Malapit na din naman kumawala.
Ang pusong paulit ulit binabalewala.

Kung dumating man ang araw na iyon.
Sana maintidihan ang desisyon.
Kaya man lumaban ng lumaban.
Ngunit ang puso ay masyado nang sugatan.

-Charlene

(Visited 3,340 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments