Torpe

Kung Dalagang Pilipina ka at torpe naman yung guy,
ano nang gagawin mo?
Sa totoo lang, wala.
Wala kang puwedeng gawin kundi mag-antay
at magdasal na sana lumakas ang loob ni guy
at ligawan ka na.
Magpa-palipad-hangin ka kamo?
Di din. Baka kasi assuming ka lang.
Baka feeling mo lang na gusto ka din niya.
Besides, baka naman pa-fall lang naman ang kumag.
At anytime, ‘pag nahulog ka na, iiwan ka sa ere.
Di ba madalas mangyari yan?
Kaya ayun, kahit type na type mo na si guy,
magpaganda ka lang lagi. Antayin ang da moves niya.
At sana, ipa-pormal mo siya ng ligaw.
Ang guy, ‘pag nahirapan, grabe kung ika’y bantayan.
At mas mahihirapan ka n’yang iwanan.
Kung may intensiyon, ika’y liligawan.
Kaya easy ka lang. Pray for The One.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.
Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com
He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 40 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments