Hindi Pa Pala

hindi pa pala
Image: pexels-photo-3060643

Pinasok ko ang mundo ng walang kasiguraduhan
‘Di ko naisip na lahat ng bagay ngayon ay pansamantala lang
Bawat taong dumarating pala ay umaalis din
Nawawala ng bigla nang hindi mo napapansin

Masaya ang naging daloy ng ating usapan
Naging maganda ang ating pagsasamahan
Pagkilala ko nga sa’yo ay parang gusto ko pang laliman
Sabi ko nga, baka ito na ‘yung walang hangganan
Abot-langit pa nga ang aking kaligayahan
Hindi ko inisip na kapalit pala nito’ y kalungkutan
Labis na paghihinagpis na aking mararamdaman

Ito na pala ang bagong mundo
Sana sa pag-ikot nito’y makasabay ako
Akala ko kasi, tulad ko hanap nila ay totoo
Hindi pala lahat ito ang gusto

Akala ko lang pala, nauwi na naman sa wala
Akala ko lang pala, siya ngayon ay nawala
Akala ko lang pala, bakit kasi ang dali kong maniwala
Akala ko siya na, hindi pa pala.

-jamrd

(Visited 3,355 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments