Ngayong handa na, sana pwede pa

sana pwede pa
Image: pexels-photo-3740398

ni Y NA | Ngayong handa na, sana pwede pa

Muli kong binalikan ang pahina kung saan tayo unang nagkakilala.
Gumuhit sa aking labi ang mga alaala na minsan ko ng nakalimutan.
Oo nga pala no? Ako ata ang unang nagbigay ng motibo.
Nakakahiya mang balikan pero hindi narin mababawi.

May bahagyang punit na ang isang pahina kaya’t hindi ko na nasundan kung bakit tayo nagkahiwalay.
Basta ang natandaan ko lang hindi ko napanindigan ang binitawan kong OO.

Natakot ako.
Natakot ako na baka hindi kitang kayang ipaglaban kung sakaling malaman ang mayroon sa atin.
Natakot ako na baka hindi ko kayang ibigay at hanapin niya sa iba tulad ng na-una.
Natatakot akong sa iba siya sasaya at tuluyan ng umalis.
Natatakot akong maiwang muli at hindi na babalikan.

Oo naging duwag ako.
Masisi niyo ba ako kung bakit mas pinili ko nalang siya mawala kesa ipagpatuloy ang aming sinimulan?
Nandoon ako sa punto na baka hindi ako yong babaeng gusto niya.
Baka hindi ako yong para sa kanya.
Baka hindi ako yong tamang babae
para sa pagmamahal niya.
Hindi ako sapat, Dahil may kulang pa sa akin.

Mali ba na isipin kong hindi rin siya tatagal?
Sa una lang at bibigay din huli.
Mali bang mag isip ako na baka sinakyan niya lang ang trip ko pag nasawa na’t aayaw narin.
Mali bang binigyan ko siya ng pagkakataon?
O ako ang mali sa pagkulong sa nakaraan ko.

Hindi ko na tinapos, at muling kong sinara ang libro.
Hindi ko na kinaya ang mga sumunod.
Napatawa nalang ako napapikit.
Sa pagpikit ng aking mata nakita ko kung gaano siya kasaya sa piling iba.
Nagmahal at minahal siya na hindi kailangang itago.
At yon naman ang hinahangad ng mga taong nagmamahal diba?

Kaya nga ito handa na ako.
Handa na akong ipaglaban ka.
Handa na akong tumaya.
Handa na akong sagutin ang mga bakit na sayo’y naiwan.
Handa na akong magmahal at mahalin.
Handa na akong bitawan ang mga bakit at paano.
Ngayong handa na ako, sana pwede pa.
Pwede pa bang maging tayo?
Tayo sa huling pagkakataon.

(Visited 3,357 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments