Pigil

pigil
ni Baltazar Rodriguez
 
Maging bihasa sa mga leksyon ng nakaraan
Alamin ang tamang desisyon sa pagmamahal
Dahil may ibat ibang istilo ang mga taong may masasamang hangarin sa iyong nararamdaman
Pero nasasayo na iyon kung ano ang iyong kakahinatnan
Kung magpapakatanga ka at magpapakasangkapan
Ngunit sinisiguro ko sayo dalawa lang ang direksyong iyong mapupuntahan
Mapaglaruan o Masasaktan
 
Pigil, Wag kang magpaparaya sa mga lalaking may mapanlinlang na matatamis na salita
Sila yung mga taong hanggat chat at text lang
Mga taong walang lakas ng loob manindigan
Mga taong nanghahatak ng kalooban
Sila’y bihasa sa mga salitang matatalinhaga
Mga salitang nagsasabing
“Ibibigay ko sayo maging buwan at tala” Ngunit habang tumatagal makikitaan mo ng kawalan ng tiyaga
Pigil kung ayaw mong madaya ng tadhana
 
Pigil, sa mga lalaking mapaglaro sa damdamin ng iba
Sila yung mga taong mahilig mangolekta
Mga taong napakataas ng kumpyansa sa sarili
Sila yung mga lalaking matiyaga maghintay
Matiyaga maghintay ng sagot na “OO” sa maraming kababaihan
Sila yung mga hindi marunong makuntento sa isa
Sila yung mga taong mapagsamantala sa damdamin ng iba
Pigil kung ayaw mong makihati sa atensyon ng walang kwenta
 
Pigil, sa mga lalaking nanlilisik ang mata
Sila yung mga taong napakatalas ng tingin sa magaganda
Sila yung mga taong malikot ang imahinasyon at pagpapantasya
Sila yung mga taong gagawin ang lahat mapasagot ka
Ngunit sa huli malalaman mong katawan lang ang habol nila
Sila yung mga lalaking hindi marunong gumalang sa kababaihan
Mga produkto ng mapupusok na kabataan
Pigil kung ayaw mong masira ang iyong kinabukasan
 
Pigil, sa mga lalaking sa una lang magaling
Sila yung mga taong hindi ka iiwan.
Hindi ka iiwan sa umpisa pero sa kalagitnaan ng inyong pagsasama pagsasawaan ka na
Sila yung mga taong mamahalin mo din dahil makikitaan mo ng determinasyon
Pero sila din yung maglalaho na parang bula sa kalagitnaan ng inyong relasyon
Sila yung mga taong hindi marunong magpahalaga sa nararamdaman ng iba
Dahil sila yung mga taong iniisip lang ang sarili nila
Pigil kung ayaw mong maaksaya ang iyong halaga
 
Pigilan mo ang sarili mong mahulog sa mga mapanlinlang na istilo
Huwag kang magpapadaloy sa agos ng nararamdaman mo
Dahil sa oras na makasanayan mo na mahirap ng pigilan ito
At baka sa huli magulat ka nalang
Na sariling luha mo na pala ang nilalanguyan mo.
(Visited 3,342 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments